Saturday, March 15, 2008

Sigaw ng Pamantasan, KATOTOHANAN! - Bukluran Students' Alliance at Supreme Student Council nanguna sa rally



Ang Bukluran Students' Alliance ay naglunsad ng isang pagkilos upang ipanawagan ang Katotohanan at ang malawakang pagbabago sa ating lipunan!
Pinangunahan ng mga miyembro ng Bukluran, kasama ang buong Supreme Student Council sa pamumuno ni Hermes Palad. Naging kaagapay ni Palad ang kayang Pangalawang-Pangulo na si Nerozel Calpito na namuno sa mga estudyante, mga empleyado at guro, at mga miyembro ng

PLM Administration kasama ang Vice-President for Academic Affairs Virginia Santos at mga College Deans. Sabay-sabay na nagmartsa ang buong Pamantasan tungo sa Liwasang Bonifacio bitbit ang mga panawagan sa katotohanan, katarungan, at pagbabago.

Samantala, dinaluhan din ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), at ng Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK-PLM) upang ipanawagan ang "Oust Gloria, Reject Noli." Ang bulok na sistema ang dapat nating baguhin. Noon pa man ay tumindig na ang Bukluran noong EDSA Dos na dapat magkaroon ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng "overhauling" ng sistema, at pakikiisa sa panawagan ng "Erap Resign! Resign All!"


Itinaguyod ng mga iskolar ng bayan sa pangunguna ng Supreme Stduent Council, ang panawagan ng mayorya ng konseho para sa "rebooting" ng ating gobyerno. Nakikita nila ang lumalalang virus sa ating lipunan at panahon na upang ilunsad ang "Genuine Social Change."

"Big Deal ito para sa aming mga estudyante!" Ito ang mariing isinigaw ng Pangulo ng SSC, sa harap ng Inter-faith Rally. Big deal, sapagkat hindi pa din nabibigyan ng tuon ng pamahalaan ang kahalagahan ng edukasyon sa bansa. Ayon sa 2008 General Appropriations Act (National Budget sa taon na ito), P5.273 billion ay ilalaan sa edukasyon. Ngunit sa kabila ng pagbibida ni GMA sa MalacaƱang noong Huwebes na highest budgetary allocation ang edukasyon, isang malaking kasinungalingan lamang ito dahil naglaan ang P18.842 billion sa pagbabayad ng prinsipal na amortisasyon sa ating utang panlabas.

Tapusin na ang rehimeng elitista, baguhin ang sistema!

Oust Gloria, Reject Noli! Create a Democratic Transitory Government.

Mabuhay ang Kabataan, Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan!!!

No comments: